JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Friday, March 18, 2005

    ISANG KWENTONG MAIGI

    fiction:


    May Budweiser sa tabi ko at dalawang slices ng pizza. Konting selebrasyon dahil nagkita kami ni Jane dito sa SYDNEY AUSTRALIA. Si Jane ay ang pinakamatalik kong kaibigan. nagpunta sya ng Australia upang mapag-isa. Ewan, hahanapin nya raw ang sarili nya.Si Jane ay masayahing dalaga. Mapagbiro, maganda.. kung iisipin nga, parang walang problema sa buhay 'tong taong 'to. Nagulat nalang ako nang sabihin nyang pupunta na sya ng Australia at magpahatid sa Airport.Pangalawang linggo ko palang dito sa Sydney at sya kaagad ang hinanap ko. Syempre, nakaka-homesick yata noh. At nagtagumpay naman ako nang makita ko sya sa isang lumang apartment na kung tutuusin ay mas maganda pa ang maid's quarters namin sa manila."So, kamusta naman ang tropa sa Manila?"nakangiti sya nang itanong."The best parin, wala paring pagbabago."wala akong narinig na sagot.nag-isip ako kung ok lang ba sya.palagay ko hindi.Kilala si Jane sa bansag na "MAIGI" dahil bawat salita o sagot nya ay may "MAIGI" sa hulihan.kakaiba ang Jane na katabi ko. walang "MAIGI" na maririnig. suppose to be ang sagot nya sa sagot ko ay "MAIGI." pero hindi. kaya ako nalang ang nagtanong."Kamusta ka naman dito?""OK naman...""Ok naman?"tanong ko na naka busangot dahil sa kalituhan."oo. OK ako."hindi na ako sumagot, bagkus ay tinitigan ko sya habang nakayuko at nakatunganga sa tsinelas nya.Suot nya ang Tsinelas na Regalo ko sa kanya nung nag debut sya bago sya umalis ng pilipinas. isang Leather na tsinelas na may kakaibang korte.ako lang ang kasama nya nung nag-debut sya. kaya alam kong memorable sa kanya ang regalo ko na alam kong gustong gusto na nya simula nung 3rd year kami.Tahimik.Nagsalita si Jane."naaalala mo pa ba 'to?"tinutukoy nya ang tsinelas."tinago mo pa pala yan. apat na taon na sayo yan ah?"ngumiti ang mga labi nya. unang ngiti nya mula nung magkita kami."Ikaw ang bukod tanging nagregalo sakin. alam mo ba yun?"sumagot ako."OO."May kuminang sa puno ng singkit na mga mata ni Jane.Luha."OK ka lang ba? ha, jane?" pagtataka ko."Hindi."Nabigla ako. hindi si Jane ang tipo ng babae na maglalabas ng sama ng loob sa taong tulad ko. baka nga kahit masakop na ng Abu Sayaff ang Australia, eh hindi parin sya iiyak sa balikat ng iba."Anong Problema?" nakatitig ako, may concern sa mga mata. totoo."Wala ka bang naalala?" sabi nya.Alam ko na Birthday nya. sa katunayan, kaya nga ngayon ko saya pinuntahan ay para surpresahin sya."WALA" panunutya ko.tumindi ang pag iyak ni Jane.nakonsensya na ko. inilabas ko ang isang panyo sa bulsa ko pagkatapos kong lumagok ng Budweiser at kumagat sa pizza. inabot ko sa kanya."Jane, Biru lang, alam kong kaarawan mo."inabot nya ang panyo at laking gulat nya na may nakabalot na isang pares ng tansong hikaw dito."Kitams? sa katunayan nga, may regalo pa ko sayo eh.."Sa pangalawang pagkakataon, napangiti ko ulit si Jane. pero ngayon, nakaharap na sya sakin."IKAW..ikaw ang una't huling nagregalo sakin at kusang nakaalala ng kaarawan ko.""HULI?"



    ...





    "WARD, may taning na ko.. malala na ang Cancer ko sa ovary. sayo ko lang to sinabi"Putang-ina. parang mag-init ang ihip ng hangin sa tabing dagat kung saan kami naka-upo."...ano?"tanong ko kahit malinaw kong narinig ang sinabi nya. hindi na nya inulit."Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sigaw ko. Luha na naman..ngayon, pati ako.."Wala akong lugar sa mundong ginagalawan nating lahat, ako, ako na isang dalagang hindi maintindihan ang pagkatao, hindi ako ang klase nang taong dapat pagluksaan.."humiga sya sa binti ko pagkatapos isuot ang hikaw. tinanggal nya ang tsinelas at sabay na niyakap malapit sa dibdib nya.Tahimik ulit. bumulong ako kahit hindi parin makapaniwala."Dito lang ako jane.. dito lang."
    Ngumiti ang mapuputla nyang mga labi, sa pagkakataong di ko alam kung mauulit pang muli.sabay tulo nang dalawang patak ng luha.."MAIGI."
    sa kahulihulihang pagkakataon, narinig ko ang salitang minsang naging parte ng buhay ng marami.. lingid sa kaalaman ng taong nakahiga sa mga binti ko..
    nakahigang walang hininga.
    --EDWARD HERNANDEZmay 28, 2005