fiction
TAO AKO
Ni: Ewak Hernandez
Bachelor of fine arts major in advertising
Katitila lang ng ulan. Hindi ko alam kung bakit biglang bumuhos samantalang mainit naman ang panahon. Naglalakad ako nuon sa kahabaan ng Taft Avenue. Kasabay ko sa pagtahak ng mausok at maalikabok na kalye si BIANCA GONZALEZ.. Galing daw siya sa isang kaibigan. Pauwi na daw sya pero hindi nya alam ang sasakyan nya. Maalikabok talaga. May baon akong gas mask pero wa epek kaya nilabas ko na lang yung happy cotton k0. habang nagalalakad kami ay napatitig sya sa mata ko.
“May dumi ba ko sa mukha?”.. tanong ko na may halong duda.
“Wala.. nagtataka lang kasi ako sayo..” sagot ng magandang dalaga.
“Bakit naman? Kataka-taka ba ko?!” tanong ko ulit, pero wala ng duda.
“0o, wirdo ka kasi..” syempre sya yung sumagot.
Hindi na ko sumagot pabalik, sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pansin ko na hindi sanay si Bianca sa mahabang lakaran. Nakakahiya ang suot ko kumpara sa suot nya. Bagama’t pareho kaming nakapulang pantaas, halata pa rin na mas mamahalin ang suot nya. Hawak ko sa kanang kamay ko ang Chuck Taylor ko.
Maputik kasi ang kalsada kaya masarap magyapak. Galing ako sa nuon sa University at pauwi na ko nang tawagin ako ni Bianca.
Hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang kanang kamay nya.
“Bakit parang nanahimik ka? May nasabi ba kong masama?” tanong nya habang hawak ang kamay ko at shoulder bag nya.
“Wala,masaya lang ako…dahil…ano…?”
sagot ko habang pinagmamasdan ang pink na Islander nya na nagkulay tsokoleyt na dahil sa putik..
“Dahil ano?” tanong nya ulit..
May dumaan na Saint Rose Transit sa tabi namin bago ako sumagot,
byaheng Alabang.
Hinila ako ni Bianca pasakay sa bus kaya nabitawan ko ang hawak kong Chuck Taylor.
“Bayaran mo yon!! Mahal bili ni daddy dun! Patay ka sa tatay ko!” sabi ko sa kanya na halos napapaluha..
“pasensya na.. eto, Islander..” malungkot na sabi ni Bianca.
“Salamat..ang ganda naman, Pink!” ako ulit.
Mahabang Pause.. di nagtagal binasag ko ang nakakatulig na katahimikan, sinagot ko ang naiwang tanong bago kami pumanhik sa bus..
“Masaya ako dahil kasama kita..” sabi ko..
Hindi sya sumagot sa halip ay humigpit ang kamay ko saka lumingon sa bintana..
“Ehem..”..
“Bakit?..”
“Ba’t di ka sumagot? Di ka ba natutuwa?” sabi ko..
Ngumiti siya at tumitig sa akin..
“Naiinggit kasi ako sayo!” sabi nya..
Nagtaka ako. Dalawang patak ng luha ang nakita ko na itinatago nya sa mga mata nya..
“Bakit naman? Swerte ka nga. T.V. Host ka, model at may kaya sa buhay. Samantalang ako, mahirap lang.. kailangan pang maghanap-buhay para matustusan ang pag-aaral.”
“Yun na nga e.”
Sabay hilig sa balikat ko.
“Malaya ka, walang bumabatikos sa mga gawain mo.. malaya mong naipahayag ang damdamin mo..”
ang labo nya kausap, sa totoo lang…
“Bakit ikaw hindi ka ba malaya?”
nalalabuan kong tanong..
“Malaya kung sa malaya..pero iba ka pa rin..”
Huh?!..bakit ba? Ano ba trip nito?. sumagot ako.
“Alam mo Bianca, kanya kanya kasing paraan yan..”
“Paraan?”
Habang lumalalim ang usapan ay halata ko ang pagod sa mukha ni Bianca.
“Oo paraaan. Halimbawa, hindi lang naman ang pagsunod sa layaw ng laman o sa salapi masusukat ang kalayaan.
Ako, walang salapi pero super laya ko!
Kasi ang paraan ko ng pagpapakawala ng nakakulong kong pagkatao ay yung una, pagsusulat , pangalawa, pagtugtog ng gitara o pagkanta at pang-huli, pagdo-drawing”.
“Ganon?, wala naman akong kayang gawin sa mga sinasabi mo eh!, pwede bang…
“hoopss!…”
Sabat ko bago pa man matapos ang sinasabi nya..
“Hindi ko sinabing sumulat ka o mag-gitara. Sinabi ko bang gayahin mo ko!?”
Hindi ko talaga alam kung si Bianca ba talaga ang katabi ko..
“Ang akin ay, gawin mo kung anong gusto mo nang may halong ligaya at saya!”
Siguro nakuha na nya..
“Malungkot nga ako eh..”
Hindi pa pala.
“Bakit ba?”
“kasi umulan kanina.”
Wow… ang koneksyon..
“0o nga pala, nakakalungkot.”
sinakyan ko na lang..
“Mahirap bang maging mahirap?”
Sabi nya..
“Oo!”
Hindi na sya nagsalita..bagkus, niyakap nya ko.
“Bianca, wag kang maawa sa mga mahirap na tulad ko, hindi naman lahat ng mahirap ay kawawa.”
Di pa rin siya nagsalita. Sinalampak niya ang mukha nya sa kili-kili ko at don umiyak.
“Alam mo, sa sitwasyon ko, di mahalaga kung mahirap o mayaman, Basta ako, masaya ako sa ginagawa ko, ayus na!!..”
Parang napaluha na rin ako ng maningil ang konduktor.
Pagbayad ko ay hinawakan ko ang baba ni Bianca at tinaas ang mukha nya.
“Biancs,,pareho lang tayo, iba lang ang estado sa buhay.. tao ako, ikaw rin, parehas tayong may karapatang mabuhay ng masaya at ayon sa gusto natin…”
Ngayon, sigurado ako,, naintindihan na nya..
“Tama ka, maikli lang ang oras natin para mabuhay, kaya dapat, mag-enjoy na tayo habang maaga…”
Salamat naiintindihan din..
Mainit sa bus. Hindi aircon.
Humiga sya sa balikat ko. Hindi ko alam kung nagpunas lang sya ng pawis kaya humiga, o naawa parin sakin. Pareho kaming dinapuan ng antok..
Sa Alabang na ako nagising. Paggising ko, may sapatos ako, walang gas mask, walang bulak sa ilong, walang putik sa paa at tuyo ang daan… wala na rin si Bianca…
sa paglalakad ko pauwi ay naalala ko ang isang malinaw na panaginip…
Edward Hernandez
May 10, 2005