weLcoME to THe BasiCs.
Ako si ewak. pinaikli mula sa pangalang Edward. isa akong native muntinlupenyo na diyes y otsong taong gulang na ang favorite pass time ay mag-inat habang nasa kalagitnaan ng pagdo-drawing. mahilig akong humiga kahit saan basta dinatnan ako ng katamaran. mahilig din ako sa mga pagkaing kadalasang sa mga mamahaling hotel at restawran lang makikita tulad ng isaw at balumbalunan na limang piso isa, san mig light,yum yum at ridges. pero ang paborito ko sa lahat ay pillows. gaya ng karamihan, dumaan din ako sa pagkabata at nahumaling sa mga cartoons na galing sa bansang hapon. hanggang ngayon ay napapaiyak parin ako kapag naiisip ko ang malungkot na katapusan ni nelo at ni patrash, ang pag-iisa ni remy, at ang pagmamalupit ng mahal na konde kay cedie. pero si sarah ang munting prinsesa ang paborito ko. umuuwi din ako ng maaga noong kinder pa lang ako para manuod ng peter pan, bt x, si mary at ang lihim na hardin, pasko ni santa,heidi, julio ay julia kambal ng tadhana, at mahiwagang kwintas. gusto ko rin ang shaider: pulis pangkalawakan at si machine man. pag linggo, hindi ko rin pinalalampas ang woody wood pecker na susundan ng voltes five at bioman sa channel thirteen. nagpakatanga rin ako tulad nyo at natuwa sa dalawang saging na nakapajama, malaking daga, at tatlong oso na kaibigan nila.

lumaki ako sa kalye.. pero di ako ugaling kalye. lagi akong nalalaglag sa kanal. pero di ako nadadala. kinabukasan, nasa kanal ulit ako. pero dati pa yun. lagi rin akong nasa puno. sikat ako nun at sinasamba ng mga kalaro ko dahil ang dami kong laruan. naglaro din ako ng mga usong laro nung panahon ko. pataasan ng dangkal ng teks, paramihan ng goma, trumpo, pagandahan ng teks na ghost fighter na nakaalbum pa, at bumato ng mga tau-tauhang may balot na alambre ang katawan.nag 10 20 din ako. sinayaw ko rin ang mga hit noong 90's tulad ng lick it, wiggle it, mga kababayan ko, humanap ka ng panget, its a beautiful life at always.
***mahilig ako sa mga libro. totoo yun. paborito kong basahin ang mga librong tulad ng mga nobela NICHOLAS SPARKS, mary shelly, mitch albom, at kung ano ano pa. trip ko rin ang abante at tumbok..
***nag-aral ako sa CLS kinder hanggang grade 2. sa southernside montessori school ako nag patuloy at nakatapos ng highschool. highschool nako natutong mag-cutting. sa klase ni ser fernandez, math prof ko nung first year na natapos ang isang buong school year na hindi alam ang tunay na pangalan ko dahil JOHN edward ang tawag nya sakin. naging escort din ako nung freshman ako. muse si JEI-ANN>,kasalukuyang GIRLFRIEND ko..
back to cutting.
nagpatuloy ang habit na to' .
***college, sa university of perpetual help dalta system(sucks!)..nursing ako. pero naramdaman ko na di talaga ako para sa nursing, kaya nag-drop ako ng hindi nalalaman ng parents ko. yari, ayan na, nalaman na ni ermats kaya pinalayas ako. layas naman ako. uwi din kinabukasan. tapos, pumayag narin sila sa gusto ko.BACHELOR OF SCIENCE IN FINE ARTS major in VISUAL COMMUNICATIONS ang trip ko, kaya sa dadating na pasukan, sa PHILIPPINE WOMENS UNIVERSITY na ako papasok. first year ulit.
college din nung mapasok ako sa mundo ng frat. totoo na to'.. naging member ako ng UPSILON PHI OMEGA fraternity sa UPHDS. astig.
***ngayon ay apat na taon na kami ni jei ann. haha!
***ngayon, malaki na ko. pero eto, isip bata parin. kaya samahan nyo kong tuklasin ang iba't ibang hiwaga ng mundo tulad ng kung bakit walang gate na walang kalawang, bakit may papel ang ilalim ng siopao, bakit may plastik sa pupu ng aso, at kung bakit masarap uminat.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home