JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Wednesday, September 07, 2005

    lakad sa ilalim ni haring araw.

    kamusta na?
    kamusta na dito?
    mukhang ayus lahat liban sa ilan.

    ang init na tumutusok
    sa balat ko ay nag udyok,
    ngumiti sa ibabaw nang pisngi ng kalawakan.
    Image hosted by Photobucket.com
    nakakalimutan ko ang gulo
    pag ang araw ay naglalambing,
    kasabay ng maligamgam na hangin.

    naglalakad ako, tayo
    sa ilalim ng malawak na bubong,
    ng di nakikitang sinag.

    walang laman ang kwarto
    ngunit liwanag ang nagpapa-init,
    nang mga naghihinagpis na damdamin.
    Image hosted by Photobucket.com
    sabay tayong ngumiti
    ipakita'ng mga ngiping puti,
    punasan ang luhang umagos sa mga labi.

    wag na tayong malungkot
    saluhin natin ang liwanag,
    ng malambing na si haring araw.


    ciao.

    Tuesday, September 06, 2005

    dati yun, nung okay pa lahat.

    Sinunog mo ang mitsa ko,
    kalahati ng buhay na may galit sayo.
    simulan mo sa marikit,
    tatapusin ko sa pangit.

    Pinatay mo, ang anak ng pag-asa,
    ngayon!
    ikaw ang bida..
    wala kang paki-alam, basta napatay mo sya.

    Minolestya mo ang ina ng liwanag,
    ngayon!
    nasa dilim ka..
    wala kang paki-alam, basta nakaraos ka.
    Image hosted by Photobucket.com
    Nag-aabang ang malambing na kamatayan,
    sa ulo mong walang laman.
    kapit kamay tayo dati,
    ngayon! di na kita kaibigan.

    TAPUSIN NA! ang sigaw ko,
    sa kalapating dumapo sa balikat.
    katauhang nahubad,
    dahil sa pag-asang may bukas.

    katukin mo ulit,
    baka tulog lang.

    katukin mo ng malakas!
    baka nagpapahinga lang.

    ayaw bang buksan?

    hwag ka nang matakot,
    sa aninong ligaw.
    baka anino mo lang yan,
    hwag kang sisigaw!

    ..buksan mo ang ilaw,
    baka may kasama ka.
    kung wala, takbo na!

    hwag ka lang sakin pupunta.

    sabi ko ayoko ng pulitika, pero leche!

    kahit siguro sinong walang pinag-aralan eh madaling makukuha ang lohika. lahat ng tao eh nakapagsinungaling na kahit sa maliit na paraan. kaya alam natin kung ano ba talaga ang totoo sa hindi, ang binabaliktad na mga pahayag at ang mga akusasyon na pinasisinungalingan. kahit papano ay madali namang malaman kung kapwa ba natin sinungaling ang taong nagsasalita sa telebisyon at nagsasabing "i'm sorry" at kung ano ano pa. para sakin na madalas kumain ng lusot pag uuwi ako ng hatinggabi at sasabihin kong gumawa lang ng project kahit obvious na amoy alak ako at yosi, kita ko kaagad nung una palang na bulaan ang presidenteng ibinoto ng tatay at nanay ko na kaparehas mo ay nagsisisi rin dahil sa ginawa nilang pagkakamali. bihira na, o baka nga wala nang tao ang magbubuwis ng buhay para kay juan dela cruz sa panahong ito, kahit nga yata magpatusok lang nang karayom eh hindi na natin magagawa para sa bansa. wala tayong dapat sisihin kundi ang mga taong may hawak sa leeg ng lupang pinatakan ng dugo ng mga nasira nating bayani. ang mga taong nasa katungkulan na hindi ginagawa ang mga sinumpaan nila habang nakapatong ang kaliwang kamay sa bibliya at nakataas ang kanang kamay habang sinasabing "gagampanan ko ang tungkuling inihain sa akin."...kay Gloria, hindi nag dalawang isip ang taong bayan na ilagay ka sa tungkulin sa pangalawang pagkakataon kahit na nung una pa man eh kitang kita na ang munting demonyo sa likuran ng mga ngiti mo habang nasa stage ka at naghihintay na bumaba si erap. dalidali kang sumumpa sa pagka-presidente kaya lalong nagkanda-leche leche. sawa na ang tao, sawa na ang mga pilipino, sawa na ang pilipinas. sa gulo ngayon ng bansa, at sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya, wala nang ibang matatakbuhan si juan, kundi ikaw na ina-inahan nya.sana kahit sa kahulihulihang pagkakataon, maging tunay na presidente ka. sa kahulihulihang pagkakataon, gawin mo ang sinumpaan mo sa harap ng madlang tao. bumaba kana. para lahat tayo, mahila pataas..

    Image hosted by Photobucket.com
    nagbubulag-bulagan sa kasalanan sa bayan. anu ba yan?!

    Monday, September 05, 2005

    Patay ang ilaw.

    Image hosted by Photobucket.com
    Halos pikit at kulubot ang mata.
    sumampa sa dyipni, kapa ang pag-asa.
    kamukha ng ligayang ilaw ang kita
    madilim sa mundong ginagalawan nila.

    lalake't babaeng sa harap ko'y tumatawa
    parang walang problema kung umasta sila.
    sa lipunang nilakihan, kakaiba sila
    ngunit hustisya'y babagsak sa kanila.

    Dalawang bulag na nagmamahalan
    di ramdam ang malupit na kawalan.
    sa gabi'y alintana ang hinagpis at sakit
    sa araw buhay, ngunit gabi parin.

    inagaw ang liwanag.
    walang kulay..

    wala.

    Sunday, September 04, 2005

    HETFIELD, ULRICH, HAMMET

    I've got somethin' to
    killed your baby today
    and itDoesn't matter much to me
    As long as it's dead

    I've got somethin' to say
    I raped your mother today
    and itDoesn't matter much to me
    As long as she spread

    These lovely day
    Is waiting for your breath
    'cause sweet Death wants Last Caress.
    dali!
    aalis na yata!
    baka maiwan tayo.

    dali!
    handa na lahat!
    tayo nalang ang hinihintay!

    dali!
    mahirap nang humabol.
    baka tuluyan nang mawala.

    dali!
    wala nang susunod.
    kasalanan mo pag di tayo umabot!

    dali!
    isa pang sabi,
    tuluyan ng iinit ang ulo!

    dali!
    di 'to basta basta!
    byahe 'to ng pag-asa!

    dali!
    usapang buhay 'to!
    hindi 'to laro!

    dali!
    kilos ng mabilis,
    para hindi mainis!

    dali!
    taeng tae na ko!
    nasa dulo na ng puwit ko!

    Thursday, September 01, 2005

    Mas maganda sigurong mag-paa sa basang lupa
    mas maganda sigurong maglaro kung may kalaru ka.
    ayoko nang umepal. gusto natin ng dangal.
    alam kong may pupuntahan ang jeep ni kuya cesar.

    dilaw hindi pula ang kulay ng langit.
    may asul na buhok nakatali sa pisngi ng ulap.
    hiwalay kung hiwalay pero mahirap yata yan...
    wirdo ang paligid, nakakatusok.

    Image hosted by Photobucket.com
    masakit kung bigla.
    manhid kung dahan dahan.

    ayoko ng umulit

    ayoko ng magkamali.

    ayoko ng masaktan.

    makirot,

    masakit

    ayaw na.

    sana umayaw ka na rin..