sabi ko ayoko ng pulitika, pero leche!
kahit siguro sinong walang pinag-aralan eh madaling makukuha ang lohika. lahat ng tao eh nakapagsinungaling na kahit sa maliit na paraan. kaya alam natin kung ano ba talaga ang totoo sa hindi, ang binabaliktad na mga pahayag at ang mga akusasyon na pinasisinungalingan. kahit papano ay madali namang malaman kung kapwa ba natin sinungaling ang taong nagsasalita sa telebisyon at nagsasabing "i'm sorry" at kung ano ano pa. para sakin na madalas kumain ng lusot pag uuwi ako ng hatinggabi at sasabihin kong gumawa lang ng project kahit obvious na amoy alak ako at yosi, kita ko kaagad nung una palang na bulaan ang presidenteng ibinoto ng tatay at nanay ko na kaparehas mo ay nagsisisi rin dahil sa ginawa nilang pagkakamali. bihira na, o baka nga wala nang tao ang magbubuwis ng buhay para kay juan dela cruz sa panahong ito, kahit nga yata magpatusok lang nang karayom eh hindi na natin magagawa para sa bansa. wala tayong dapat sisihin kundi ang mga taong may hawak sa leeg ng lupang pinatakan ng dugo ng mga nasira nating bayani. ang mga taong nasa katungkulan na hindi ginagawa ang mga sinumpaan nila habang nakapatong ang kaliwang kamay sa bibliya at nakataas ang kanang kamay habang sinasabing "gagampanan ko ang tungkuling inihain sa akin."...kay Gloria, hindi nag dalawang isip ang taong bayan na ilagay ka sa tungkulin sa pangalawang pagkakataon kahit na nung una pa man eh kitang kita na ang munting demonyo sa likuran ng mga ngiti mo habang nasa stage ka at naghihintay na bumaba si erap. dalidali kang sumumpa sa pagka-presidente kaya lalong nagkanda-leche leche. sawa na ang tao, sawa na ang mga pilipino, sawa na ang pilipinas. sa gulo ngayon ng bansa, at sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya, wala nang ibang matatakbuhan si juan, kundi ikaw na ina-inahan nya.sana kahit sa kahulihulihang pagkakataon, maging tunay na presidente ka. sa kahulihulihang pagkakataon, gawin mo ang sinumpaan mo sa harap ng madlang tao. bumaba kana. para lahat tayo, mahila pataas..

nagbubulag-bulagan sa kasalanan sa bayan. anu ba yan?!

nagbubulag-bulagan sa kasalanan sa bayan. anu ba yan?!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home