JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Saturday, June 18, 2005

    DRAFT POST
    (a draft post for the philwomenian school paper.)
    WALANG TITLE
    by:edward hernandez
    bachelor of fine arts


    Ikaw na ang gumawa ng titulo..
    gabi na kasi at medyo naiihi pa ko.
    teka hintay....
    .....huh! game..


    O? diba sa papel ka nakatingin?
    bakit, anong kulay ba gusto mo?
    hay nako, low budget tayo..
    wag na magdemand!
    bakit naman kelangan pang grande?
    eh san mo lang ba naman makikita tong PAPEL na tinitingnan mo?
    bukas makalawa, nasa maragondon na'to kasama nang mga nilalakong tinapa..

    sayang..

    sayang talaga..

    sayang na sayang lang..

    SAYANG TALAGA!
    hindi lang utak mo ang gumagana habang binabasa mo ang KAHIT NA ANONG babasahin.
    stupido talaga ang tao ngayon, kung saan sila may makukuha, dun sila allergic.
    ilan ba sa mga kabataang pilipino ang pinipiling magbasa ng libro kesa manuod ng T.V.?
    buti sana kung may makukuha ka sa ONE PIECE o SLAMDUNK..


    sakin?

    wala,

    wala kang makukuha.

    kapareho lang ako ng iba..
    mangungulimbat.
    mangungulimbat sa iba.
    sa pagkakaalam ko, ikaw din e mangungulimbat.
    OO!kahit nanay at tatay mo mangungulimbat din!

    nangungulimbat sa titser
    sa writers
    sa tv and movie directors
    sa pastor at pari
    sa sales lady sa SM
    sa kunduktor ng bus
    sa sermon ng nanay
    sa pangaral ni tatay
    sa lahat ng bagay!

    kaya ngayun din mangulimbat ka!
    pero wag mong ipagdamot..
    wag.
    sa halip, mamahagi ka sa tangang mangulimbat.
    kinulimbat mo ang sinulat ko sa pagbabasa mo ng PAPEL na'to..

    mamigay ka naman.

    iabot mo na sa katabi mo.

    wag lang to'lahat ng nakulimbat mo..

    ikwento mo sa tao!





    SIGAW!

    malakas!

    sige!

    sige pa!

    panahon na kabataan para lumawak ang kaalaman!

    wag tayong matakot humawak ng libro..

    magbasa basa naman tayo.





    at habang maaga,




    share tayong matuto..






    -ewak 6/17/05

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home