JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Wednesday, August 24, 2005

    dyaryoooooow!!

    Image hosted by Photobucket.com
    Ilang araw na nga ba kong nawala
    Meron ata akong nakalimutan bigla
    Pero meron akong hindi nabasa
    Pero meron bang maganda
    Di tuloy ako nakasabay sa balita
    Pero dapat pa ba

    Merong inaalis sa silya
    At pinagkaitan ng hustisya
    Pwede pa naman pala
    Mangarap, sabay pikit ng mata
    Ang katotohanan makikita
    Kapag bulag ka

    Eto na ulit at bagong-bago
    Ang amoy ng aking diyaryo
    Ang bango-bango at bago
    Pati na ang presyo
    Ngiti sabay kunot noo
    Ito ba ay totoo

    Binabasa naming mga hunghang
    At nagpapaloko lang
    Na mga tangang umaasa
    Na magbago pa ang sistema
    Hindi ah!…
    Pampatulog lang sa gabi na parang komiks
    Diyaryong benta ni Mang Migs

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home