JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Wednesday, November 02, 2005

    Di mo man aminin
    Di maaring ipagkaila
    Di ko man suriin
    Di maaring itago pa

    Ang kislap ng yong mata
    Di ko na makita
    Kulimlim ang umaga
    May bagyong nagbabanta

    Sang lumang pangako
    Di na maaring ibalik
    Ang dating pagsuyo
    Ang tamis ng iyong halik

    Bawat alaala
    Hapdi ng pag-iisa
    At sa maling akala
    Mapait ang naging bunga

    Malayo na ang puso
    Kasama ang mga pangako
    Malayo na ang puso
    Dal’wang landas na di na magtatagpo

    Mayron mang naiwan
    Natira sa puso ko
    Hayaan mong tumubo
    Hayaang muling mabuo
    Pagdating ng panahon
    Pag-ibig ko ay babangon
    Mula sa pagkakabaon
    Bagong pagkakataon

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home