JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Saturday, June 18, 2005

    huwag kang matakot kaibigan
    Ikaw may madalas na pagtawanan
    hindi nila alam ang tunay na dahilan
    ng iyong katauhan

    tumakbo ka at tumalikod
    ang oras at araw ay maglalaon
    ang panahon di ka malalamon
    ikaw ang magdidikta

    ikaw ang anak ng araw
    ang pinanghahawakan mo
    ay higit pa sa talim ng kanilang
    isip at balaraw
    ikaw ang anak ng araw
    habol mo ang paglubog at tangan mo
    ang kaluluwang di pumapanaw
    hindi ka maliligaw

    bukas walang makapipigil
    kahit pa ang kahapong madilim
    hawak mo sa'yong palad
    ang kakaibang liwanag

    ikaw ang magdidikta ng liwanag
    ikaw ang magdidikta ng liwanag
    ikaw ang babasag
    ikaw ang babasag

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home