JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Sunday, November 06, 2005

    LANGIS SA TABLA.

    Image hosted by Photobucket.com
    Ako ang gigising
    sa natutulog na bayan
    sa basag na kultura
    sa panis na pag-asa

    ako ang gagamit
    sa nakatagong kakayahan
    ng lahing kayumanggi
    sa sinibulang lupa

    ako ang guguhit
    sa likod ng mga puso
    sa harap ng madlang tao
    sa ibabaw ng senaryo

    wika ko ang tataguyod
    sa kailangan itayo
    pagkakaisang kailangan
    para bukas ay gumaan

    brotsa ko't pintura
    ang huli nyong makikita
    bago ang pag-asa
    sa inyo'y makisama

    wika ko naman ang eentra!

    guhit ko'y sasama!

    ngayong panahon!

    ako naman ang bida!

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home