JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Monday, July 18, 2005

    ANG HAPON KAHAPON.

    Image hosted by Photobucket.com
    Nakakatawa ang hapon kahapon
    Inaya ng pari ang mga bata
    Sa kanyang simbahan
    Para magdikit ng mga poster at stiker
    Sa mga kahon ng donasyon
    Saksi ni Dyehoba
    Sali na, tumawag ka

    Ang pintor ay nagpinta
    Ng islogan nila
    Islam sila
    Mapusyaw ang kulay
    Ng waterkolor sa bakgrawn
    na pula

    May nag-rally nanaman
    Kung saan-saan
    Sa kabila ng lahat
    Sigurado
    may nananamantala
    nanaman

    nagmahalan ang magsyota
    dahil biyernes
    nagmahalan ang mga bilihin
    kainis
    siguradoang mga politiko may porsiyento nanaman
    ako ba wala?
    bwiset

    dumating ang sasakyan
    sa tamang oras
    muli
    para mahuli

    kinakain ng mga bata
    ang mga gulay sa plato nila
    at gusto pa nila
    gustong-gusto nila

    nakikinig ng mabuti si mister
    sa sinasabi at pinaguusapan nila ni misis
    sa loob ng isang dyip

    yun ang akala niya
    pero ng si mister magsabay
    sa pagutot at pagdighay
    natawa na lang siya

    binabasa mo ang mga…
    at nasabi ko…
    mahal kita…
    kahapon

    nakakatawa ang hapon
    kahapon

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home