JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Monday, July 18, 2005

    KawNTri PudS.

    Image hosted by Photobucket.com
    Oh pre san ka galing..hingal na hingal ka ah
    Sabi ko sa’yo pag may lakad ka sama mo ko eh
    Nagsolo ka nanaman
    “gago, eh biglaan nga eh..
    nung nakita ko ‘di ko na pinalampas
    nag-init na dugo ko eh.”
    O eh anong nangyari sa’yo?
    Bat may dala ka pang tako, bali naman..
    “hah? Ang dami eh…
    kasi ‘di nakita ko nga sila pababa ng hagdan.
    Binato ko kagad ng bote.
    ‘ina! Nung nakababa na sa labas lahat kinse pala sila.
    Malay ko ba..”
    Oh tapos, tapos…
    “Yun.. nung una nadaan sa gulatan
    yung unang tumakbo nakapitan ko binanatan ko na agad
    nung natauhan na sila na mag-isa lang ako
    kanya-kanya na ng labasan ng kargada
    Tawid kagad ako papunta sa bilyaran
    yung una kong nadampot na tako.. yung pinakamalapit sa pinto…
    Buo pa rin loob ko, sinalubong ko yung isang may baseball bat
    paghataw ko ‘ta! Bali! Eto naiwan sa’kin…Yung dulo.
    E mas makapal yung pwetan eh ‘di ba?.. syempre yun ang ipapalo ko.
    “Buti nakarating ka pa dito?”
    Sinisigawan pa nga ako nung bakla nung tumatakbo na ko
    Nagpapantig tenga ko ‘ta! Nakakahiya nga eh..
    kala nila sa’kin tanga?!
    ang dami-dami nila eh, may kargada pa lahat.
    “Oh.. ano na gagawin natin ngayon?
    Kanina pa ko nandito..
    naubos na nga namin ni Jun mga sumingaw na gin sa tindahan nila
    kala ko ‘di ka na darating
    ano plano ngayon?”
    tara balikan natin…
    “ulol mo! Kinse, lahat may kargada?..”
    tatlo tayo nila Elson.. o-oo kagad yun!
    May pinatago ‘kong mga tubo diyan sa may isawan…
    Kaya natin yun.. ‘ina! Di ba nila tayo kilala?…
    Papakilala tayo sa kanila
    Tayo pa tinabla nila! Laro natin yan eh..
    Pag oras mo oras mo na!
    “’ge bahala ka..
    bili mo muna kong isaw
    lagyan mo ng maraming ketchup, gutom na ko eh.
    Kanina may enkwentro din dito mga ganster pre, nagbarilan
    Diyan lang oh, sa tapat…
    Para ngang may shooting eh..”
    Tanga! Bobo! Eh shooting nga yun..
    “nga noh.. kilala ko pa yung isa, yung kinukuhanan ko
    malay ko ba dun.. tsaka, ‘di ko naman masyadong kadikit yun eh.”
    ‘yaan mo sila may sarili tayong gulo eh..
    ito aksyon talaga mamaya.. kinse sa tatlo? Huh!
    Starter ka ha..
    “bat di ikaw?”
    ogag… kilala na nga ko nung mga ‘yun eh
    “O sha, sha.., basta pag sakali walang kakalas ha..
    ‘di ba nasa taas lang non baranggay hall na..
    ako lang magsasabi kung sibat na.
    Pero siyempre babawi tayo.. hindi pwedeng hit and run lang.”
    Oo, sige, walang problema
    Gago kasi yung babaeng yun eh
    ‘na! Pasalamat nga siya may pumatol pang magseseryoso sa kaniya eh
    balak ko na nga siyang alisin dun sa pagsayaw-sayaw sa beerhaus na yun eh!..
    papatusin ko na nga sana yung alok na mag-sekyu sa’kin ni bayaw
    tapos sasabihin niya walang gumalaw sa kaniyang iba?..
    hinuli ko lang na kunyari may nakakita sa kanila eh..
    di umamin din!
    sabi pa maglalakad ng requirements… huh!
    Wala daw nangyari, eh tuyong-tuyo siya!
    ‘ta talaga! Kinakain ko pa naman yun
    tapos magpapababoy siya sa iba.. take-out, tanghaling tapat pa
    ‘di parang kinain ko na rin b*rat nung ungas na yun!
    Ipagpapalit niya ko dahil ginulpi ko siya, eh may kasalanan din siya eh.
    Tsk! Bakit pa kasi sineryoso ko yun eh..
    ‘di naman ako makapagsabi sa iba, dahil.. ‘nang yan!
    Pagtatawanan lang ako nung mga yun eh.
    “Hoy ubos na ‘to.. soli mo na yang ketchup ni Elson
    busog na ko…tama na drama...aksyon na!………………………

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home