Mabagal at tahimik ang paghinga ng hangin ngayong gabi
Dumadaan sa liku-likong landas
May isang gotohan sa kanto
Hinulog sa palasyo ng panaginip
Kasabay ng pagsindi ng kandila sa diwa
Kapwa tayo nasunog sa bilyon-bilyong ilaw
Nagliliyab sa mga buhay, natitigilan sa pagtutok ng tanglaw
sa likod ng pagpihit ng bawat kilos at galaw
kinakain ng mga kaluluwa ang mga kaluluwa
nabasyo lahat
may awit at hagikhik na umaalingawngaw
pasipol-sipol
lahat ay umaapak sa utak
sa bangketa na kasama ng mga puno
nakikinig ang mga puso ng bingi
sa mga guro, pinuno
at tindero na nang-uuto
inamoy ng mata ang kulay hanggang sila’y maging isa
Malabo
walang kamatayan ang tahimik na bulong sa lansangan
habang napupuno sa galit ang isang higanteng alon ng lugaw
may huling lunok sa lalamunan
nakalimutan ko na huminga sa sobrang gutom
"nabubulunan ako
pakibatukan ako
nalunok ang itlog na bugok
ng buong-buo
ayaw bumaba ng goto
sa may lalamunan ko"
nabubulunan
hindi na makahinga
basyo na ang utak
basyo na

0 Comments:
Post a Comment
<< Home