JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Thursday, July 21, 2005

    WALA

    Wala akong nakikitang espesyal
    Sa iyong kinalalagyan
    Nabulag ka lang din gaya nila
    gaya ko

    Sa isang puso ka nagtirik ng ‘yong kandila
    Pinagliyab ang pagmamahal
    Matakasan lang
    Katotohanan

    Papailanlang ang sayaw ng ating usok
    Mula sa nalulusaw
    At nasusunog na pagmamahalan
    Plastik kapwa

    Kausap pa kita kanina lang
    Sa kabila ng linya
    humihingi ka ng paumanhin
    Konsolasyon ko

    “Sandali! Huwag mong dalhin ang kandila
    Kailangan ko ‘yang apoy.”

    Amuyin mo ang hangin, ang simoy
    Nakatagpo na rin ako
    huwag..
    "Huwag kang umalis"



    Nandito na ko sa kabila
    Dito ako maglilimlim
    Kekwentuhan kita ng isang alamat
    sa muling pakikipagsiping

    wala akong nakikitang espesyal
    kakaiba lang
    kakaiba lang
    kunin mo na

    ang matagal natin hinabi na kalungkutan
    yari na
    kunin mo na
    kakaiba lang
    wala na akong masasabi

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home