JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Wednesday, July 27, 2005

    Nang magsikap si tamad...

    namulat ako sa araw na tahimik,
    walang ingay, kahit kaunting imik.
    napipi na ba ang umaga?
    o may nakahandang plano sa walang pakisama?

    tumagal ang panahon ng buhay ko,
    walang pagbabago, ganito parin ako.
    sa kabila ng lahat ng pangarap ko,
    ako lang mag-isa, kakampi ko ay ako.

    nakatitig sa manok ni mang carding,
    nilalasap ang isaw sa bawat tikim.
    maraming parte ang kwento kong ito,
    na itatapon lang ng bobong tulad mo.

    bobo rin ako,
    bobo rin ako..
    siguro nga'y totoo,
    parepareho naman ang mga paniwala nyo.

    bakit nang bumulwak ako palabs ng mundong 'to,
    walang malay akong lahat ng bagay ay magulo?
    kahit naman pilitin kong magbago,
    panunutya parin ang sasagupain ko.

    pangalang mabaho na nga lang ang pag-aari ko,
    ninakaw pa ng isang impostor na tao.
    EWAK din ang ibininyag sa kanya,
    tuwang tuwa naman kung tatawagin sya.

    IBA na talaga ang tanga,
    kung kani-kanino na sumasama,
    wala nang rason para ngumiti pa,
    simangot nalang para maganda.

    HWAG nyo kong tawanan!
    HWAG nyo kong simangutan!
    HWAG nalang kayong magpakita,
    lalo akong nangungulila!

    GIPIT ako sa atensyon! pansinin aking mga suhesyon!
    iba nga ako mag-isip, ngunit nagagamit naman ng panahon!
    titigan mo't intindihin, balang araw malalaman din,
    mga mensahe ko sa ilalim ng larangan ng sining natin.

    ngingiti ako, marahil huli na 'to,
    pagkat wala nang dahilang ipagpatuloy pa 'to.
    nang magsikap si tamad, wala namang sumaklolo,
    bagkus walang bahala, pinatihulog nyo ako.

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home