JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Thursday, July 21, 2005

    Pag lahat sa mundo bukas ay maliwanagan
    ano ang mangyayari?

    Nakakawala ng malay ang hangal at gunggong na ideya
    Pano kung bukas wala na ang bigat na lubhang malala?
    Pano kung bukas wala nang gravity?
    Pano kung bukas wala na ngang gravity?

    Ginawa ng santinakpan
    ang mga pagpapasya at pangangatwiran
    siyensiya at pamamaraan
    sa utak at sintido kumon
    na wala naman talagang maipaliwanag
    na maliwanag
    na rason
    malaman lang ang ugali
    ng sangkatauhan at sansinukob

    Meron ba talagang kaganapan sa anomalya?
    Eh ang anomalya sa kaganapan?
    Ang teorya ni Totie?
    na iba naman ang paliwanag ni Tanga?

    Meron bang lohikal sa utak?

    Siguro dahil at kung ang utak mo ay napakasimple
    madaling unawain
    Kaya lang
    ang simpleng utak ay hindi pa hasa
    upang maunawaaan
    at bigyang liwanag
    ang kasimplehang ‘to

    O kaya ang utak ay sapat
    ng maging ganito kakumplikado
    para umunawa

    KASO NGA LANG
    KAYA NGA LANG
    ITO
    AY KUMPLIKADOMASYADOPARA MAINTINDIHAN NI
    Mo at Ko


    Maaari mo tong pabagalin at palalimin
    Maaari ring pababawin at pabilisin
    Pero hindi mo ‘to mapipigilan
    Hindi mo ‘to mapipigil

    Maliban na lang kung….
    BANG! BANG!
    BANG!

    yun lang…

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home