JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Wednesday, July 27, 2005

    Nang magsikap si tamad...

    namulat ako sa araw na tahimik,
    walang ingay, kahit kaunting imik.
    napipi na ba ang umaga?
    o may nakahandang plano sa walang pakisama?

    tumagal ang panahon ng buhay ko,
    walang pagbabago, ganito parin ako.
    sa kabila ng lahat ng pangarap ko,
    ako lang mag-isa, kakampi ko ay ako.

    nakatitig sa manok ni mang carding,
    nilalasap ang isaw sa bawat tikim.
    maraming parte ang kwento kong ito,
    na itatapon lang ng bobong tulad mo.

    bobo rin ako,
    bobo rin ako..
    siguro nga'y totoo,
    parepareho naman ang mga paniwala nyo.

    bakit nang bumulwak ako palabs ng mundong 'to,
    walang malay akong lahat ng bagay ay magulo?
    kahit naman pilitin kong magbago,
    panunutya parin ang sasagupain ko.

    pangalang mabaho na nga lang ang pag-aari ko,
    ninakaw pa ng isang impostor na tao.
    EWAK din ang ibininyag sa kanya,
    tuwang tuwa naman kung tatawagin sya.

    IBA na talaga ang tanga,
    kung kani-kanino na sumasama,
    wala nang rason para ngumiti pa,
    simangot nalang para maganda.

    HWAG nyo kong tawanan!
    HWAG nyo kong simangutan!
    HWAG nalang kayong magpakita,
    lalo akong nangungulila!

    GIPIT ako sa atensyon! pansinin aking mga suhesyon!
    iba nga ako mag-isip, ngunit nagagamit naman ng panahon!
    titigan mo't intindihin, balang araw malalaman din,
    mga mensahe ko sa ilalim ng larangan ng sining natin.

    ngingiti ako, marahil huli na 'to,
    pagkat wala nang dahilang ipagpatuloy pa 'to.
    nang magsikap si tamad, wala namang sumaklolo,
    bagkus walang bahala, pinatihulog nyo ako.

    Thursday, July 21, 2005

    JOLIBEE, sampaguita at si aling Lina.

    fiction:
    Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

    *dalawang palatak*

    Nell, nanjan si mark?
    ...
    O men...
    debut ni jei ann! yehey! tara!
    ...
    tol, regalo mo?
    wala eh, gago ka ba? sinama mo lang ako dito, debut ng GF mo 'to..

    oo nga pala.

    ikaw, anung gift mo?
    basta..
    ano nga?
    basta..
    ano nga
    isaw.., apat. bente para walang butal..

    wow!! sarap! big time!
    hoooops! bawal tikim!

    sige na, kahit ketsap lang, nilibre ka naman ng mommy ko sa jolibee eh.

    oo nga pala.. teka, eto..
    ano 'to?
    suka!
    uy! sarap! (ininom)
    ahhhh!(dumighay)

    thanks tol..eto sampaguita..
    AY MARK NAG-ABALA KA PA!!salamat!
    eto ipis, pakain mo sa aruwana mo!

    ****
    Mabagal at tahimik ang paghinga ng hangin ngayong gabi
    Dumadaan sa liku-likong landas
    May isang gotohan sa kanto
    Hinulog sa palasyo ng panaginip

    Kasabay ng pagsindi ng kandila sa diwa
    Kapwa tayo nasunog sa bilyon-bilyong ilaw
    Nagliliyab sa mga buhay, natitigilan sa pagtutok ng tanglaw
    sa likod ng pagpihit ng bawat kilos at galaw


    kinakain ng mga kaluluwa ang mga kaluluwa
    nabasyo lahat
    may awit at hagikhik na umaalingawngaw
    pasipol-sipol
    lahat ay umaapak sa utak
    sa bangketa na kasama ng mga puno
    nakikinig ang mga puso ng bingi
    sa mga guro, pinuno
    at tindero na nang-uuto
    inamoy ng mata ang kulay hanggang sila’y maging isa
    Malabo


    walang kamatayan ang tahimik na bulong sa lansangan
    habang napupuno sa galit ang isang higanteng alon ng lugaw
    may huling lunok sa lalamunan
    nakalimutan ko na huminga sa sobrang gutom

    "nabubulunan ako
    pakibatukan ako
    nalunok ang itlog na bugok
    ng buong-buo
    ayaw bumaba ng goto
    sa may lalamunan ko"

    nabubulunan
    hindi na makahinga
    basyo na ang utak
    basyo na

    WALA

    Wala akong nakikitang espesyal
    Sa iyong kinalalagyan
    Nabulag ka lang din gaya nila
    gaya ko

    Sa isang puso ka nagtirik ng ‘yong kandila
    Pinagliyab ang pagmamahal
    Matakasan lang
    Katotohanan

    Papailanlang ang sayaw ng ating usok
    Mula sa nalulusaw
    At nasusunog na pagmamahalan
    Plastik kapwa

    Kausap pa kita kanina lang
    Sa kabila ng linya
    humihingi ka ng paumanhin
    Konsolasyon ko

    “Sandali! Huwag mong dalhin ang kandila
    Kailangan ko ‘yang apoy.”

    Amuyin mo ang hangin, ang simoy
    Nakatagpo na rin ako
    huwag..
    "Huwag kang umalis"



    Nandito na ko sa kabila
    Dito ako maglilimlim
    Kekwentuhan kita ng isang alamat
    sa muling pakikipagsiping

    wala akong nakikitang espesyal
    kakaiba lang
    kakaiba lang
    kunin mo na

    ang matagal natin hinabi na kalungkutan
    yari na
    kunin mo na
    kakaiba lang
    wala na akong masasabi
    Pag lahat sa mundo bukas ay maliwanagan
    ano ang mangyayari?

    Nakakawala ng malay ang hangal at gunggong na ideya
    Pano kung bukas wala na ang bigat na lubhang malala?
    Pano kung bukas wala nang gravity?
    Pano kung bukas wala na ngang gravity?

    Ginawa ng santinakpan
    ang mga pagpapasya at pangangatwiran
    siyensiya at pamamaraan
    sa utak at sintido kumon
    na wala naman talagang maipaliwanag
    na maliwanag
    na rason
    malaman lang ang ugali
    ng sangkatauhan at sansinukob

    Meron ba talagang kaganapan sa anomalya?
    Eh ang anomalya sa kaganapan?
    Ang teorya ni Totie?
    na iba naman ang paliwanag ni Tanga?

    Meron bang lohikal sa utak?

    Siguro dahil at kung ang utak mo ay napakasimple
    madaling unawain
    Kaya lang
    ang simpleng utak ay hindi pa hasa
    upang maunawaaan
    at bigyang liwanag
    ang kasimplehang ‘to

    O kaya ang utak ay sapat
    ng maging ganito kakumplikado
    para umunawa

    KASO NGA LANG
    KAYA NGA LANG
    ITO
    AY KUMPLIKADOMASYADOPARA MAINTINDIHAN NI
    Mo at Ko


    Maaari mo tong pabagalin at palalimin
    Maaari ring pababawin at pabilisin
    Pero hindi mo ‘to mapipigilan
    Hindi mo ‘to mapipigil

    Maliban na lang kung….
    BANG! BANG!
    BANG!

    yun lang…

    Monday, July 18, 2005

    KawNTri PudS.

    Image hosted by Photobucket.com
    Oh pre san ka galing..hingal na hingal ka ah
    Sabi ko sa’yo pag may lakad ka sama mo ko eh
    Nagsolo ka nanaman
    “gago, eh biglaan nga eh..
    nung nakita ko ‘di ko na pinalampas
    nag-init na dugo ko eh.”
    O eh anong nangyari sa’yo?
    Bat may dala ka pang tako, bali naman..
    “hah? Ang dami eh…
    kasi ‘di nakita ko nga sila pababa ng hagdan.
    Binato ko kagad ng bote.
    ‘ina! Nung nakababa na sa labas lahat kinse pala sila.
    Malay ko ba..”
    Oh tapos, tapos…
    “Yun.. nung una nadaan sa gulatan
    yung unang tumakbo nakapitan ko binanatan ko na agad
    nung natauhan na sila na mag-isa lang ako
    kanya-kanya na ng labasan ng kargada
    Tawid kagad ako papunta sa bilyaran
    yung una kong nadampot na tako.. yung pinakamalapit sa pinto…
    Buo pa rin loob ko, sinalubong ko yung isang may baseball bat
    paghataw ko ‘ta! Bali! Eto naiwan sa’kin…Yung dulo.
    E mas makapal yung pwetan eh ‘di ba?.. syempre yun ang ipapalo ko.
    “Buti nakarating ka pa dito?”
    Sinisigawan pa nga ako nung bakla nung tumatakbo na ko
    Nagpapantig tenga ko ‘ta! Nakakahiya nga eh..
    kala nila sa’kin tanga?!
    ang dami-dami nila eh, may kargada pa lahat.
    “Oh.. ano na gagawin natin ngayon?
    Kanina pa ko nandito..
    naubos na nga namin ni Jun mga sumingaw na gin sa tindahan nila
    kala ko ‘di ka na darating
    ano plano ngayon?”
    tara balikan natin…
    “ulol mo! Kinse, lahat may kargada?..”
    tatlo tayo nila Elson.. o-oo kagad yun!
    May pinatago ‘kong mga tubo diyan sa may isawan…
    Kaya natin yun.. ‘ina! Di ba nila tayo kilala?…
    Papakilala tayo sa kanila
    Tayo pa tinabla nila! Laro natin yan eh..
    Pag oras mo oras mo na!
    “’ge bahala ka..
    bili mo muna kong isaw
    lagyan mo ng maraming ketchup, gutom na ko eh.
    Kanina may enkwentro din dito mga ganster pre, nagbarilan
    Diyan lang oh, sa tapat…
    Para ngang may shooting eh..”
    Tanga! Bobo! Eh shooting nga yun..
    “nga noh.. kilala ko pa yung isa, yung kinukuhanan ko
    malay ko ba dun.. tsaka, ‘di ko naman masyadong kadikit yun eh.”
    ‘yaan mo sila may sarili tayong gulo eh..
    ito aksyon talaga mamaya.. kinse sa tatlo? Huh!
    Starter ka ha..
    “bat di ikaw?”
    ogag… kilala na nga ko nung mga ‘yun eh
    “O sha, sha.., basta pag sakali walang kakalas ha..
    ‘di ba nasa taas lang non baranggay hall na..
    ako lang magsasabi kung sibat na.
    Pero siyempre babawi tayo.. hindi pwedeng hit and run lang.”
    Oo, sige, walang problema
    Gago kasi yung babaeng yun eh
    ‘na! Pasalamat nga siya may pumatol pang magseseryoso sa kaniya eh
    balak ko na nga siyang alisin dun sa pagsayaw-sayaw sa beerhaus na yun eh!..
    papatusin ko na nga sana yung alok na mag-sekyu sa’kin ni bayaw
    tapos sasabihin niya walang gumalaw sa kaniyang iba?..
    hinuli ko lang na kunyari may nakakita sa kanila eh..
    di umamin din!
    sabi pa maglalakad ng requirements… huh!
    Wala daw nangyari, eh tuyong-tuyo siya!
    ‘ta talaga! Kinakain ko pa naman yun
    tapos magpapababoy siya sa iba.. take-out, tanghaling tapat pa
    ‘di parang kinain ko na rin b*rat nung ungas na yun!
    Ipagpapalit niya ko dahil ginulpi ko siya, eh may kasalanan din siya eh.
    Tsk! Bakit pa kasi sineryoso ko yun eh..
    ‘di naman ako makapagsabi sa iba, dahil.. ‘nang yan!
    Pagtatawanan lang ako nung mga yun eh.
    “Hoy ubos na ‘to.. soli mo na yang ketchup ni Elson
    busog na ko…tama na drama...aksyon na!………………………

    ANG HAPON KAHAPON.

    Image hosted by Photobucket.com
    Nakakatawa ang hapon kahapon
    Inaya ng pari ang mga bata
    Sa kanyang simbahan
    Para magdikit ng mga poster at stiker
    Sa mga kahon ng donasyon
    Saksi ni Dyehoba
    Sali na, tumawag ka

    Ang pintor ay nagpinta
    Ng islogan nila
    Islam sila
    Mapusyaw ang kulay
    Ng waterkolor sa bakgrawn
    na pula

    May nag-rally nanaman
    Kung saan-saan
    Sa kabila ng lahat
    Sigurado
    may nananamantala
    nanaman

    nagmahalan ang magsyota
    dahil biyernes
    nagmahalan ang mga bilihin
    kainis
    siguradoang mga politiko may porsiyento nanaman
    ako ba wala?
    bwiset

    dumating ang sasakyan
    sa tamang oras
    muli
    para mahuli

    kinakain ng mga bata
    ang mga gulay sa plato nila
    at gusto pa nila
    gustong-gusto nila

    nakikinig ng mabuti si mister
    sa sinasabi at pinaguusapan nila ni misis
    sa loob ng isang dyip

    yun ang akala niya
    pero ng si mister magsabay
    sa pagutot at pagdighay
    natawa na lang siya

    binabasa mo ang mga…
    at nasabi ko…
    mahal kita…
    kahapon

    nakakatawa ang hapon
    kahapon
    Image hosted by Photobucket.com

    Naalala mo pa ba

    ang mga araw ng eskwela?

    Nung dati na lahat

    ay ginagagawa ang lahat

    para maging cool na tanga,



    Nagsusumikap na makakuha

    ng mataas na marka,

    para hindi ka magmukhang kahiya-hiya

    sa mga nagsasabing,

    “ay bobo!…”



    Ang maskarang ‘to

    at medalyang ginto,

    ay walang kwenta!

    Sa sinabihan na

    “Bobo!”



    Tagu-taguan sa may eskwelahan

    Nakasulat ang pangalan ko

    sa pisara sa harapan

    puting chalk sa GREEN na sulatan



    “ bobo ako”

    Ang swerte-swerte ko

    Isa itong pabuya

    Ako ang kasunod ng dakila

    sa hindi ko naman ginustong

    samahan na pila



    1st honor

    2nd horror

    3rd trobol

    ni propesor tamulmol



    Sino?

    Ako bobo?

    Oo nga. Oo nga.

    Oo, nga..

    teka lang meron pang isa,

    ipapakilala kita

    sa kaklase kong ubod ng ganda.



    Siya nga pala si tanga

    bagay kami diba?

    Monday, July 04, 2005

    SI FAJARDO MAYOR AT SI JUNIELEE
    fiction:
    Edward Hernandez
    Bachelor of fine arts maj. advertising

    "H'wag!"
    "Bakit naman mayor?"
    "kita mong masakit ang tyan ko! bobo ka ba?"
    Karaniwang eksena na tuwing umaga ang ganitong mga sigawan sa City hall ng Maragondon.
    SI mayor Mikel "BUKBOK" Fajardo ang alkalde dito..
    "JUNIE!"
    "PO?"
    "ihanda mo ang limo!"
    nag-isip si JunieLee, ang dakilang alalay.
    "AH.. wala naman po tayong limo mayor."
    "TAO lang ako! tanga! nkalimutan ko!"
    sagot ni fajardo.
    "OK lang yun mayor, basta wag mo na uulitin."

    ...

    Dina-drayb ni junie ang gold plated na pedicab ni fajardo.
    "OI iwas! Jutang ina mech may jubak!"
    sigaw ni mayor.
    "Leche ka mayora! ginulat mo akech! wis jubakis yan!"
    Sagot ni junie.
    "TAO lang akech, junga! i-taste mo nga!"
    sabi ni mayor mikel.
    "OK lang mayora, basta wis mo nalang i-repeat"
    dali-daling bumaba si junie at tinikman ang inaakalang ebak.
    "UY! mayora! wis nga jubakis itech! lasang yummy!"
    sabi ng alalay.
    "AY!! gaga! diapers yan ng baby! bat mo ti-naste!"
    nandidiring mayor.
    "gaga ka mayora! sabi mo i-taste ko diba?"
    "TAO lang akech, junga! sorry ha!"
    sabi ni mayor.
    "OK lang mayora, basta wis mo na i-repeat!"

    ...

    Nasa tulay na sila ng maragondon ng bumaha.
    "PONYETA! san ba galing 'tong bahang 'to?!"
    sigaw ni mayor.
    "BAKIT ka ba nagagalit ha mayora?"
    "GAGA! nababasa ang panty ko!"

    ....


    THE END.

    -ewak
    07/05/05